PARA SA IYONG KAGALAKAN/Panimula

Mula sa Gospel Translations Tagalog

(Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbabago)
m (Ipinagsanggalang ang "PARA SA IYONG KAGALAKAN/Panimula" ([edit=sysop] (walang katiyakan) [move=sysop] (walang katiyakan)))
 

Pangkasalukuyang pagbabago mula noong 20:16, 16 Abril 2018

Related resources
More By John Piper
Author Index
More About The Gospel
Topic Index
About this resource
English: For Your Joy/Introduction

© Desiring God

Share this
Our Mission
This resource is published by Gospel Translations, an online ministry that exists to make gospel-centered books and articles available for free in every nation and language.

Learn more (English).
How You Can Help
If you speak English well, you can volunteer with us as a translator.

Learn more (English).

By John Piper About The Gospel
Chapter 1 of the book PARA SA IYONG KAGALAKAN

Translation by Desiring God

DALAWANG libong taon na nakalipas, si Hesus at kanyang mga alagad ay nag-uusap tungkol sa isang paksa “Sino sa tingin ng mga tao ang sinasabi nilang Anak ng Diyos?” ang tanong niya sa kanila. Sumagot sila at nagbigay ng kanilang nalalaman. Subalit, itinaas ni Hesus ang antas ng kanilang usapin. Mula sa kaisipan sa pagiging personal, tinanong niya silang muli “Sino ako sa tingin ninyo?” Madali lamang sagutin ang mga tanong kung ano ang sinasabi ng ibang tao. Ngunit may panahon na tayo mismo ay dapat humarap sa tanong ni Hesus. Sino nga ba si Hesus sa atin? Ang pangkaraniwang sagot: Si Hesus ay isang magaling na guro na may mabuting kaugalian at mahabagin. Ayon kay C.S. Lewis – Ang Britanyong may akda ng The Lion, the Witch and the Wardrobe – na ang mga katwirang ito ay di nababagay:

Ipinapagliban ko ang maling kaisipan na sinasabi ng karamihan tungkol sa Kanya: “Ako ay handang tumanggap kay Hesus bilang mabuting guro, ngunit hindi ang kanyang pagiging Diyos. Iyan ay isang bagay na di natin dapat banggitin. Ang isipin na isang pangkaraniwang tao lamang ang nagsabi ng ganoong mga bagay na binanggit ni Hesus ay hindi isang mabuting guro. Siya ay maaaring nahihibang – katulad ng isang taong nagsasabi na siya ay nilagang itlog – o kaya siya ang Diablo ng Impiyerno. Kailangan mong mamili. Na siya ay ang hinirang, at sa ngayon, Ang Anak ng Diyos: o kaya isang taong nasisiraan ng bait o mas malala pa. Maaari mo siyang patahimikin bilang isang hangal, maaari mo siyang lapastanganin at patayin bilang kampon ng kadiliman; o maari mo siyang sambahin at tawaging Panginoon at Diyos. Ngunit huwag tayong mangusap ng walang kabuluhan na siya ay isang mabuting guro lamang. Hindi niya ito iniwan upang tayo ay pumili ng gusto nating isipin. Hindi niya ito nilayon.

Ang tanong na ito- Sino sa tingin ninyo si Hesus? – ay ang pinakamahalagang katanungan na maaari mong sagutin. Sa librito na ito ni John Piper sasagutin niya ang ilan sa mga karaniwang at mahahalagang katanungan tungkol kay Hesus - sino siya, bakit siya pumarito, ano ang kanyang nagawa, at bakit natin dapat pangahalagahan. Kung naitanong mo ang mga bagay na ito at hinahanapan ng kasagutan- hindi sa pamamagitan ng iyong kaisipan at mga pinaniniwalaan kung hindi sa pamamagitan ng Salita ng Diyos- inaanyayahan ka naming makiisa. Para sa iyong kagalakan.