PARA SA IYONG KAGALAKAN/Paano Ako Mamahalin ng Diyos?

Mula sa Gospel Translations Tagalog

Related resources
More By John Piper
Author Index
More About The Gospel
Topic Index
About this resource
English: For Your Joy/How Can God Love Me?

© Desiring God

Share this
Our Mission
This resource is published by Gospel Translations, an online ministry that exists to make gospel-centered books and articles available for free in every nation and language.

Learn more (English).
How You Can Help
If you speak English well, you can volunteer with us as a translator.

Learn more (English).

By John Piper About The Gospel
Chapter 3 of the book PARA SA IYONG KAGALAKAN

Translation by Desiring God


Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya.'
- Epeso 1:7

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
- Juan 3:16

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay. Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin.
- Roma 5:7-8

ANG sukutan ng pagmamahal ng Diyos ay makikita sa dalawang paraan: Isa ay sa sukat ng ibinuwis niya para sa kabayaran ng ating kasalanan. At ang pangalawa ay sa ating hindi pagiging karapat dapat sa kanyang pagligtas sa atin.

Nalalaman natin ang kanyang pagsasakripisyo sa mga salitang “Ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Naririnig din natin ito sa salitang “Kristo”. Ito ay hango sa salitang Griyego “Christos,” o “Anointed One,” o “Messiah”. Ito ay salitang may taglay na mataas na karangalan. Ang Mesiyas ay ang hari ng Israel. Sasakupin niya ang mga Romano at magdadala ng kapayapaan at katiwasayan sa Israel. Sa kabuuan, ang kinatawan na isinugo ng Diyos upang tubusin ang mga makasalanan ay ang kanyang Diyos na Anak, at ang itinalagang Hari ng Israel. – tunay ngang Hari ng sanglibutan (Isaiah 9:6-7).

Kapag isinama pa natin ang ngakagigimbal na pagpako sa krus na tiniis ni Kristo, nagiging maliwanag na ang sakripisyo ng Diyos Ama at Diyos Anak ay di mapapantayan – walang katulad, kung susukatin mo ang layo ng antas ng Diyos at ng tao. Ngunit pinili ng Diyos ang pagbubuwis upang tayo ay maligtas.

Ang sukat ng kanyang pag-ibig ay lalong lumalaki kung iisipin natin ang ating pagiging makasalanan. “Madaling tanggapin ang magbuwis ng buhay para sa mga mabubuti. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin kahit tayo ay makasalanan sa pagkamatay ni Kristo para sa atin” (Roma 5:7-8). Ang nararapat sa atin ay parusahan dahil sa poot ng Diyos hindi pagmalasakitan.

Narinig ko itong sinabi na “Ang Diyos ay di nagbuwis ng buhay para sa mga palaka.Siya ay tumutugon sa ating halaga bilang tao.” Ito ang sukdulan ng kabutihan. Tayo ay mas mababa pa sa mga palaka. Ang mga palaka ay di nagkasala, di nagrebelde laban sa Diyos, kaya hindi kinailangan mamatay ng Diyos para sa mga palaka. Hindi sila masama ngunit tayo ay masama. Napakalaki ng ating pagkaka-utang sa Diyos at siya lamang ang maaaring tumubos sa atin.

May natatanging paliwanag lamang sa ginawang pagsasakripisyo ng Diyos para sa atin. Hindi dahil sa atin. Kundi dahil sa kanyang “lubos na kabutihan.” (Epeso 1:7). Ito ay kanyang ipinagkaloob. Ito ay hindi pagtapat sa ating halaga. Ito ay dahil sa kanyang nag-uumapaw na pagpapahalaga. Sa katunayan, ito ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan: matinding pagsuyo upang mahalina ang mga hindi karapat-dapat na mga makasalanan, ang dakilang pagbubuwis, upang tayo ay magkaroon ng lubos na kagalakan magpakailan man, ito ang kagandahan ng Diyos.