PARA SA IYONG KAGALAKAN/Bakit Lahat Tungkol sa Diyos?

Mula sa Gospel Translations Tagalog

Pagbabago mula noong 19:08, 17 Abril 2018 ni Pcain (Usapan | ambag)
(pagkakaiba) ← Lumang pagbabago | Pangkasalukuyang pagbabago (pagkakaiba) | Bagong pagbabago → (pagkakaiba)

Related resources
More By John Piper
Author Index
More About The Gospel
Topic Index
About this resource
English: For Your Joy/Why Is It All About God?

© Desiring God

Share this
Our Mission
This resource is published by Gospel Translations, an online ministry that exists to make gospel-centered books and articles available for free in every nation and language.

Learn more (English).
How You Can Help
If you speak English well, you can volunteer with us as a translator.

Learn more (English).

By John Piper About The Gospel
Chapter 6 of the book PARA SA IYONG KAGALAKAN

Translation by Desiring God


Sapagka't si Kristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios;
- 1 Pedro 3:18

Datapuwa't ngayon kay Kristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Kristo.
- Efeso 2:13

Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, sa Dios na aking malabis na kagalakan:
- Awit 43:4

SA kabuuan ng lahat, ang Diyos ay ang Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay ang “mabuting balita.” Ang buhay Kristiyano ay hindi pag-aaral ng Diyos kundi balita mula sa Diyos. Ito ay katulad ng mga bilanggo sa digmaan na nakakarinig mula sa nakatagong radyo ng balita ng pag-asang paglaya at pagsagip. Kaya nagtataka ang mga bantay kung bakit nagbubunyi ang mga bilanggo.

Ngunit ano ang pinakamabuti sa mabuting balita? Nagtatapos ang lahat sa iisang bagay lamang: Sa Diyos. Ang lahat ng nasasaad sa Ebanghelyo ay tungkol sa Kanya, kung hindi man ay hindi ito ang Ebanghelyo. Halimbawa, ang “kaligtasan” ay hindi mabuting balita kung ito ay upang di mapunta sa impiyerno lamang at hindi para sa Diyos. “Pagpapatawad” ay hindi mabuting balita kung ito ay para sa pagpawi ng kabigatan ng loob lamang at hindi patungo sa Diyos. “Pagpapawalang-sala” ay hindi mabuting balita kung ito ay tumitigil sa ating pagiging katanggap-tanggap lamang sa Diyos, at hindi sa pakiki-isa sa Diyos. “Pagtubos” ay hindi mabuting balita kung ito ay nagpapalaya lamang sa atin sa kasalanan, ngunit hindi nag-uugnay sa Diyos. “Pagkalinga” ay hindi mabuting balita kung tayo ay nilalalgay lamang sa pamilya ng Diyos at hindi sa kanyang kanlungan.

Ito ay mahalaga. Marami ang tumatanggap sa mabuting balita na hindi niyakap ang Diyos. Walang sapat na katibayan na tayo ay binago na ng Diyos dahilan lamang gusto nating makaiwas sa impiyerno. Ito ay natural na pagnanais, lamang hindi mula sa Diyos. Hindi ito nangangailangan ng panibagong buhay upang isa-isip ang pagkakaroon ng kapatawaran, o ang pagpawi ng poot ng Diyos, o kasiguruhan ng kasaganaan sa kabilang buhay. Itong mga bagay na ito ay madaling tanggapin na hindi nangangailangan ng pagbabagong buhay. Hindi mo kinakailangan ng “ipanganak muli” upang gustuhin ang mga bagay na ito. Gusto rin ito ng Diyablo.

Hindi mali ang pagnanais nito. Isang kahibangan ang hindi pagkakaroon ng kagustuhan nito. Ngunit ang katibayan ng ating pagbabago ay gusto nating magkaroon ng mga ito sa ating pakiki-isa sa Diyos. Ito ang pinakamakabuluhang pagsasakripisyo na ginawa ni Kristo. “Dahil si Kristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos” (1 Pedro 3:18).

Bakit ito ang diwa ng mabuting balita? Dahil tayo ay nilikha upang mamuhay sa lubos at tumatagal na kagalakan sa pagsilay at pagtamo ng kuluwalhatian ng Diyos. Kung ang ating kagalakan ay nagmumula sa mas mababang pinagkukunan, tayo ay hindi sumasamba sa tunay na Diyos at Siya ay ating tinatalikuran. Nilikha niya tayo upang maipakita natin sa ating buhay ang kagalakang ito. Ang Ebanghelyo ni Kristo ay ang mabuting balita na ang pagbubuwis ng buhay ng kanyang bugtong na Anak, ay ginawang paraan ng Diyos upang tayo ay madala sa kanya at tayo ay magkaroon ng walang hanggang kagalakan.

Bago pa man dumating si Kristo, nagpakilala na ang Diyos bilang daluyan ng lahat ng ating kagustuhan. “Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man” (Awit 16:11). Pagkatapos ay isinugo niya si Kristo upang magdusa “upang tayo ay dalhin sa presensiya ng Diyos.” Ang ibig sabihin nito ay pinadala niya si Kristo upang ang sangkatauhan ay magkaroon ng pinakamalalim at pinakamatagal na kagalakan. Pakinggan natin ang kanyang pag-anyaya: Tumalikod sa “nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala” (Hebreo 11:25) at magtungo sa “kasayahan magpakailanman” (Awit 16:11). Halina kay Kristo!