PARA SA IYONG KAGALAKAN/Paano Kung Hindi ko Mahalin ang Diyos?

Mula sa Gospel Translations Tagalog

Related resources
More By John Piper
Author Index
More About The Gospel
Topic Index
About this resource
English: For Your Joy/What If I Don’t Love God?

© Desiring God

Share this
Our Mission
This resource is published by Gospel Translations, an online ministry that exists to make gospel-centered books and articles available for free in every nation and language.

Learn more (English).
How You Can Help
If you speak English well, you can volunteer with us as a translator.

Learn more (English).

By John Piper About The Gospel
Chapter 4 of the book PARA SA IYONG KAGALAKAN

Translation by Desiring God


Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya.
- Juan 3:36

At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay.
- Mateo 25:46

Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
- II Tesalonica 1:9

SA ating pinakamasayang sandali ayaw nating mamatay. Ang kagustuhang mamatay ay nangyayari lamang kung di na natin kayang pagtiisan ang pagdurusa. Ang ating tunay na kagustuhan ay pagliligtas hindi kamatayan. Gusto nating bumalik ang masasayang araw muli. Gusto nating matanggal ang sakit. Kung maaari lamang mabuhay ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay. Nais natin ang kasiglahan at kasiyahan.

Pawang nagbibiro tayo sa pagturing sa kamatayan ng pagtatapos ng isang magandang buhay. Ito ay isang kaaway. Hindi ito nag-uugnay sa mga magagandang karanasan sa buhay. Tinuturing nating kaibigan ang kamatayan sa paghahambing sa mga di magandang pangyayari, Ang pagtanggap sa halik ng kamatayan sa harap ng paghihirap ay hindi ang natatanging inaasam kung hindi kawalan ng pag-asa. Ang itinitibok ng ating mga puso ay buhay na maligaya.

Ganyan ang pagkalikha sa atin ng Diyos. “Inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso” (Ecclesiastico 3:11). Nilikha tayo sa wangis ng Diyos, at ang Diyos ay may buhay ng walang hanggan. Tayo rin ay hinubog upang mabuhay magpakailanman. At tayo ay mabubuhay nga ng gayon. Ang kabaligtaran ng buhay na walang hanggan ay hindi ang pagkaubos ng buhay. Ito ay ang Impiyerno. Madalas itong ipangaral ni Hesus ng higit pa kanino man at malinaw niyang itinuro na ang pagtangi sa buhay na walang hanggan na kanyang ipinagkaloob ay hindi hahantong sa pagwawakas kung hindi sa matinding pagdurusa sa pagtanggap ng poot ng Diyos: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya” (Juan 3:36).

At ito ay magpakailan pa man. Sabi ni Hesus “At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay” (Mateo 25:46). Ito ay nagpapakita ng matinding pagtutol at pagsuway sa Diyos. Ang babala ni Hesus, “At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno; Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Markos 9: 47-48).

Samakatuwid ang buhay na walang hanggan ay hindi lamang pagdugtong sa kasalukuyang buhay na may pagdurusa at pagsasaya. Kung ang Impiyerno ay ang pinakamasamang hantungan ng buhay, ang buhay na walang hanggan naman ang pinakamaganda. Ito ay pagkamit ng lubos na kagalakan kung saan ay wala ng kasalanan at kalungkutan. Lahat ng kasamaan at nakapipinsala ay mawawala na sa kasalukuyang mundong ginagalawan. Lahat ng mabuti – lahat ng nagbibigay ng tunay at tumatagal na kaligayahan – ay mananatili at malilinis at ipagiibayo pa.

Tayo ay babaguhin upang maging angkop ang ating pangangatawan sa di lubos na maisip na naghihintay na kagalakan sa ating nabubuhay. “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya” (1 Corinto 2:9). Ito ang katotohanan ngayon at magpakailanman: Para sa mga nagtitiwala kay Kristo paparating pa lamang ang ganap na kasaganaan. Masasaksihan natin nagsasaganang kaluwalhatian ng Diyos. “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesu Kristo” (Juan 17:3). Para dito nagdusa at namatay si Kristo. Papaano natin tatanggihan ito bilang ating kayamanan at patuloy na mabuhay?