Sampung Dahilan Kung Bakit Ako Nagpapasalamat Sa Biblia na Kinasihan ng Diyos
Mula sa Gospel Translations Tagalog
By John Piper
About The Bible
Part of the series Taste & See
Translation by Teresita (Resie) Manahan
You can help us improve by reviewing this translation for accuracy. Learn more (English).
1. A'ng Biblia ay gumigising sa pananampalataya, ang pinagmumulan ng lahat ng pagsunod.
Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at makapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo.(Roma 10:17 GNB)
2. Ang Biblia ay nagpapalaya mula sa kasalanan.
Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. (Juan 8:32 GNB)
3. Ang Biblia ay nagpapalaya mula kay Satanas.
Hindi dapat makipag-away ang lingkod ng Diyos, sa halip, dapat siyang maging mabuti sa pakikitungo sa lahat, mahusay at matiyagang guro. Mahinahon niyang ituwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraa’y bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at malaman ang katotohanan. Kung magkagayon, magliliwanag ang kanilang isip at sila’y makakawala sa bitag ng diyablong bumihag sa kanila. (2 Timoteo 2: 24-26 GNB)
4. Ang Biblia ay nagpapabanal.
Pakabanalin mo sila sa katotohanan, ang salita mo’y katotohanan. (Juan 17:17 KJV)
5. Ang Biblia ay nagpapalaya mula sa katiwalian at nagbibigay kapangyarihan sa kabanalan.
Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan; Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sa sanglibutan dahil sa masamang pita. (2 Pedro 1:3-4 KJV)
6. Ang Biblia ay naglilingkod sa pag-ibig.
At ito’y idinadalangin ko, na ang inyong pag ibig ay lalo’t lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pakakilala. (Filipos 1:9 KJV)
Ang layunin ng tagubiling ito ay pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na budhi, at tapat na pananampalataya. (1 Timoteo 1:5 GNB)
7. Ang Biblia ay nagliligtas.
Mag-ingat ka sa iyong sarili at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka’t sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo. (1 Timoteo 4:16 KJV)
Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako’y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao. Sapagka’t hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Diyos. (Mga Gawa 20:26-27 KJV)
At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas. (2 Mga Taga Tesalonica 2:10 KJV)
8. Ang Biblia ay nagbibigay ng kagalakan.
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo at upang ang inyong kagalalakan ay malubos. (Juan 15:11 KJV)
9. Ang Biblia ay ipinapahayag ang Panginoon.
At napakilala uli ang Panginoon sa Silo, sapagka’t ang Panginoo’y napakilala kay Samuel sa Silo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon. (1 Samuel 3:21 KJV)
10. Sa gayon, ang Biblia ang pundasyon ng aking maligayang tahanan, buhay at ministeryo at pag-asa sa kawalang- hanggan sa piling ng Diyos.